Missing the past posts? Find it here!

An Another Day In My Life



Here's a story from Jaysteel. Let us find out how he finished schooling after all the obstacles he faced in his life.

Bago pa man ako matapos ng high school, laki na ako sa hirap 6 kaming mag kakapatid at ako ang panganay. Tumutulong ako sa gawain bukirin, gayun pa man sa kabila ng aking paghihirap ay nakapatapos ako. Subalit isang matinding problema ang sa amin dumating, nag kalabuan kami ng aking tatay, dahilan para ako lumuwas ng Manila, namasukan bilang isang katulong sa Batangas sa tulong ng aking principal. Malaking bahay, magagandang muebles, sofa, at masasarap na pagkain. Akala ko dito ko na nahanap ang sarili ko, pero nagkamali ako, nagkasakit at hindi kinaya ang buhay katulong, umalis ako pumunta dito sa Laguna sa mga kamag anak ko, dito naging utasan, tagahugas ng pinggan at taga kiskis ng kadero sa gotohan, tagalaba, bantay sa maliit na tindahan at tagalinis ng computer shop ang aking trabaho kapalit ng aking pagtira at pagkain sa pang araw araw, wala akong ka pera-pera pam padala sa aking pamilya sa mindanao.
Sa panahong lumilipas, problema doon, pagsubok dito at hirap na aking nararansan ay unti-unti kong na rere-realize “ hanggang kelan ba ako ganito?: noong una, takot akong hawakan at gumamit ng computer at baka masira. At ng sa panahong iyon, doon ko unti unti nalaman ang Dualtech Training Center. Sa mga suki kung costumer na nag papagawa ng Resume sa akin. 

Napakitaan ako ng sipag, tyiga at determinasyon sa buhay ng aking tita at naisipan nyang ako ay pag aralin sa koleheyo. Kapalit ng pag tatrabaho ko sa computer shop nila. Nagging isa akong working student kapalit ng pag-aaral ko sa Dualtech.



Nov. 2008 ng ako mag simula. Excited ako dahil sa wakas makakatungtung na din sa kolehyo, pero unang pasok ko palang non pinauwi na agad ako, gawa ang malago ang aking buhok. Hanggang sa unti unti ko ng nararamdaman ang hirap, hindi nagging madali sa akin akin ang mag aral sa umaga at mag trabaho sa gabi. Halos mawalan ako ng pag-asa sa buhay, hindi ko alam ang uunahin sa schedule ko, halos matulog na ako sa school sa sobrang antok. 12am na ako natutulog, at magigisin ng 4:00am para maglinis ng shop. Then 5 am, nag aaus na para pumasok, almusal ko halos pandesal at kape lang, halos isang taon din akong nag tiis mag lakad minsan sa putikan para makapasok, ilang beses na rin akong nahuling natutulog sa study hall, nagkasakit ako nun at tinago ko lang, ayaw ko kasing umabsent kasi saying ang isang araw na miss ko yung opportunity matuto. Gingawa ko na rin ang aking mga assignments sa school during study habits bago pumasok sa trabaho. Sa kabila nun, sa isang taong pag tre-training ko sa school ay natapos ko, na walang pag liban at absent sa sa klase.

January 11, 2011, last year. Nakapasa ako sa isang Malaking Breadfactory ditto sa Pilipinas, sa Binyan Laguna, nangupahan sa isang maliit na kwarto habang nag e-Inplant Training. Naiwan ko ang aking trabaho at obligation sa computer shop dahil sa layo. Halos hindi ako makatulog araw-araw dahil sa maingay na lugar na iyon, sigawan ditto, away doon. Nag hirap ako sa pagkain, sa trabaho sa kasama sa trabaho. Doon halos ang almusal, tanghalian at meryenda ko ay tinapay. Libre kasi at makakatipid ako pag bumili pa ng kanin. Ngunit isang bagay ang aking ginawa, natanggal ako para sa kabutihan ko dahil sa nagawa, nagpatukso ako. Akala ko wala na ang lahat sa akin, akala ko wala na akong kwenta sa mundo. Nag Leave of Absent ng 2 months at binigyan ng pangalawang pagkakatoon. 

Pinadala ako sa isang Pharmaceutical Company bilang isa production operator, doon naging produktibo ako, naging malapit sa akin ang aking mga katrabaho, nagampanan ko ang aking tungkulin doon. Halos hirap din ako sa Trabaho ko doon, gagawin ko ang lahat para maisakatuparan ko ang aking mithiin sa buhay, doon pag out ko ng company uwi na agad para magtrabaho. Kahit pagod sa trabaho, kinaya ko. 12am to 12:30 na ako natutulog. 5am ggcing ako at papasok sa company. Halos 2 years kung naranasan yun, ilang beses ng nadapa pero heto bumabangon.natapos ko ang aking In-Plant Training na walang Absent.



Pagkatapos ng mga pagsubok, pagkabigo at paghihirap sa buhay, hindi ako sumuko, hndi ako nag patalo, at ni minsan hndi nag sawa. Dahil lahat ng ginagawa ko, mga sakripisyo sa buhay ay para sa aking pamilya at mga sa mga taong tumulong sa akin, sila ang aking buhay, silang ang aking lakas kung bakit ako naririto. Lalo na sa tulong ng Diyos.

Hindi ako napagod na isakripisyo ang lahat lahat dahil para ito sa kanil, nakaya ko ng may paninindigan sa sarili at may pananalig sa Diyos. Gawin natin ang nararapat at tama, wag nating isipin ang hirap ng buhay, isipin natin kung paano tayo makakatulong, paano tayo kapakipakinabang sa ating pamilya, sa lipunan, sa kapwa, at sa Diyos.

Ang mga paghihirap at pag subok sa buhay ay hindi dahilan para tayo sumuko sa ating tungkulin bilang tao, sa halips harapin yan lamang ay daan tungo sa opportunidad kung paano natin haharapin ang buhay sa ditto sa lupa. Wag tayong umapak sa paa ng iba, tumayo tayo sa sarili nating mga paa na walang tinatapakang tao.

Ginagawa ko ito, d dahil un ang dapat dahil yon ang tama. Hindi ako pinabayaan ng Diyos,
Wag nating kalilimutan ang mga taong tumulong sa atin.



Do you liked the story? share to us your feedback! Send your comments on www.twitter.com/JMQuilla


Share this post :
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. The Related Post - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger