Missing the past posts? Find it here!

Kidnapped


Here  is a story sent by archienoystoughlove@yahoo.com... It a story on how love could be desperate sometimes and can do everything.

May mga nagsasabi na pwede daw magbago ang isang tao dahil lamang sa pag-ibig. Dahil din sa pag-ibig ay ginagawa ang lahat makapiling lamang ang taong iyong minamahal. At ang pagibig ay kusang kumakatok sa ating puso ng hindi mo napaghahandaan at kapag kumatok na ito ay wala ka ng magagawa kung buksan ang iyong puso. Noong una ay natatawa lang ako sa kasabihang ito. Subalit minsan, dumadaan sa ating buhay ang mga pagkakataon na tila nagpapatunay sa atin na totoo nga ang kasabihang ito. Siguro nga. Ah ewan, basta heto ang nangyari sa akin kaya parang gusto ko ng paniwalaan ang kasabihang ito.

Syempre ako ang bida sa istoryang ito kaya gagandahan ko na ang mga katangiang babanggitin ko tungkol sa akin. Simula ng mag-aral ako ay lagi na lang ako napapaakyat sa entablado tuwing graduation o recognition day upang sabitan ng medalya. Dahil dito proud na proud ang aking mga magulang lalung-lalo na si Mommy. May kaya ang aming pamilya kaya sa exclusive school for the boys ako nila pinapag-aral. Sunod din ako sa layaw kaya naman halos lahat ng nauusong laruan ay bibinili sa aking ng Mommy ko. Kung sa damit din lang ay di rin ako nagpapahuli sa uso. Signature clothes pa ang laging binibili namin ng Mommy ko. Nag-iisa kasi akong anak. Ang higit sa lahat ay napakandang lalaki ako na halos di mo makikitaan ng peklat o ano mang imperfections sa katawan. Alagang-alaga kasi ako ni Mommy simula ng ipanganak ako. In short lahat na yata ng katangian ay nasa akin na, na labis namang kinaiinggitan ng ilan sa mga classmates ko. Christian pala ang pangalan ko.



Ganoon pa man ay hindi ako lumaking mayabang. Inggit man ang karamihan ng mga classmate ko sa akin ay hindi nila makuhang magalit o awayin ako dahil mabait pa rin ako sa kanila. Natural sa akin ang pagiging masayahin na tila ba walang dinadaanang problema sa buhay. Ganoon lagi ako hanggang makatapos ako ng high school. Subalit ng mag-college ako ay naiba ang takbo ng aking school life. Naging yabang ang tingin ng karamihan sa pinakikita kong kabutihan o sa pagiging approachable ko. Naging campus figure kasi ako lalung-lalo na sa mga chick. Pero naging maingat pa rin ako sa panliligaw ko ng chick. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng ibang lalaki.

Subalit ayon nga sa kasibihan kanina, nang tinamaan ako ni cupido ay nabali ang prinsipyo kong iyon. Na-in-love ako sa isang chick na meron na palang boyfriend. At hindi basta-basta yung boyfriend niya. Isa itong anak ng isang mayamang pulitiko. Nang mabalitaan ng boyfriend niya ang aking panliligaw ay nagsimula na akong makatanggap ng death threat. Dahil dito ay lagi na akong pinapasamahan ng bodyguard ng Daddy ko. Gayun pa man ay nagpatuloy pa rin ako sa panliligaw sa chick na iyon. Sa aking panliligaw ay ni minsan ay di ko nakita ang kanyang sinasabing boyfriend. Kaya wala akong idea kung anong itsura niya.

Sa pagpupursige ko sa panliligaw ay napasagot ko yung chick at hiniwalayan na niya ang boyfriend niya. In short, naging kami na. Masaya na sana kaming dalawa ng biglang dukutin ako ng mga di kilalang tao. Marahil ay mga tauhan ng dating boyfriend ng girlfriend ko na ngayon. Dinala ako sa isang bahay na malapit sa dagat. Subalit di ko alam kung saan iyon dahil nakapiring ang aking mga mata ng dalhin nila ako doon. Ang alam ko lamang ay tabing dagat iyon dahil dinig na dinig ko ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Laking takot ko ng mga sandaling iyon dahil alam ko na katapusan ko na. Wala akong magawa kundi sumunod sa lahat ng sabihin ng mga lalaking iyon.

Nakapiring pa rin ang aking mga mata ng igapos nila ako sa isang silya. Nadinig ko noon na may isang lalaking pumasok sa silid na tinatawag nilang boss. Isang malutong na mura ang una kong narinig mula sa bagong dating at ako nga ang kanyang minumura. Papalakas ng papalakas ang tinig na naririnig ko dahil papalapit na pala siya sa akin. Hanggang sa makaramdam na lang ako ng isang malakas na suntok na dumapo sa aking kanang pisngi. Naisin ko mang gumanti ay di ko magawa dahil sa pagkakagapos ko at nakapiring pa rin ang aking mga mata. Nagpatuloy pa rin siya sa pagmumura sa akin at ilan ding masasakit na suntok ang tinanggap ng aking katawan.
Share this post :
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. The Related Post - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger