Missing the past posts? Find it here!

Pacquiao, Puspusan na ang Pagsasanay para sa Laban nila ni Juan Manuel Marquez sa Disyembre



GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato – Puspusan na ang paghahanda ni People’s Champ Manny Pacquiao para sa laban nila ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez sa darating na Disyembre.
Ayon kay Manny, magiging mas agresibo siya sa kanilang ika-apat na paghaharap ng Mexican four-division king sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Nais ng pambansang kamao na mabura ang duda ng ilan sa kanyang major decision win laban kay Marquez noong November 12, 2011.
Bukod sa pagsasanay sa People’s Champ Gym, madalas din ang outdoor training ni Pacquiao.
“Yung footwork kailangan nating dagdagan pa, kasi sa mga prevoius fight natin, yun ang nakikita namin na nabawasan sa atin,” pahayag ng trainor ni Pacquiao na si Boboy Fernandez.
Ayon sa Team Paquiao, mas pinili nilang sa General Santos City magsanay para mas makapag-focus si Manny.
“Sa Gensan kasi mas mako-control mo ang crowd, sa Baguio magandang training din naman, pero di natin maiwasan na yung mga kaibigan natin bibisita sa Baguio. Dito na muna sa Gensan then tuloy na sa states,” dagdag pa ni Fernandez.
Kampante naman ang pound-for-pound king na kaya nitong pagsabayin ang training at ang pag-aasikaso sa kanyang kandidatura.
“Hindi naman magulo ang politIka sa aming probinsya, wala naman akung kalaban, so walang problema,” maikling pahayag ni Manny. (Ritchie Tongo/Ruth Navales, UNTV News)
Property of: UNTVweb.com
Share this post :
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2012. The Related Post - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger